Pagsasagawa ng cloud seeding sa mga tuktok ng bundok, pinag-aaralang ng Task Force El Niño

Pinag-aaralan ng Task Force El Niño ang pagsasagawa ng cloud seeding sa mga kabundukan para maibsan ang matinding epekto ng tagtuyot.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Task Force El Niño Spokesperson at Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama na target nilang bumaba ang daloy ng tubig sa downstream para mapunan ang surface water sources kasama na ang mga aquifer o tubig-lupa.

Aniya, may mga pagkakataon kasing hindi gumagana ang ilang mga ginagawang cloud seeding.


Dahil dito, nais subukan ang pamahalaan ang naturang pamamaraan para makagawa ng ulan at pasadahan ang mga tuktok ng bundok.

Umaasa naman ang Task Force El Niño na maiibsan na ang epekto ng El Niño sa huling bahagi ng buwan ng Mayo.

Facebook Comments