Malaki ang tiyansang hindi na payagan ng mga otoridad ang pagsasagawa ng community pantry sa oras na muling maisailalim ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, malaki ang posibleng maging epekto ng Delta variant sa mga komunidad sa Metro Manila.
Dahil dito, ikinatatakot aniya ang pagsasagawa pa rin ng community pantries dahil posibleng itong mauwi sa super spreader event.
Kung gusto naman ng tumulong sa mga maaapektuhan ng lockdown ay ipinayo ni Abalos ang iba pang paraan at mas ligtas na sistema.
Sa huli, sinabi ni Abalos na sa pag-iral ng lockdown mahalagang manatili sa kabahayan ang mga Pilipino lalo na kung hindi naman kinakailangang lumabas.
Facebook Comments