Paiigtingin ng SSS Urdaneta City Branch ang pag-iikot sa iba’t-ibang barangay ng Eastern Pangasinan upang magsagawa ng mobile services o e-wheels sa susunod na taon.
Ayon kay SSS Urdaneta Branch Head Christopher Servas, layunin ng e-wheels na ilapit ang serbisyo ng tanggapan sa mga miyembro, mga nais magpa rehistro sa SSS at marginalized sector.
Kabilang sa mga serbisyong maaring matugunan sa e-wheels ay ang issuance ng SSS number, web registration, data change, employer registration, at run against contribution evaders o RACE Campaign.
Ngayong 2024, nasa 4,198 Pangasinense ang nakapag-avail ng SSS services sa 51 operasyon ng e-wheels sa iba’t-ibang bayan.
Kaugnay nito, mas paiigtingin pa ang paglilibot sa mga lugar at target na matulungan ang mga inactive SSS Members o mga miyembro na walang ideya sa kanilang SSS account upang mabigyan ng kaukulang benepisyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨