Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi ginagawang basehan ang voter turnout para maging valid ang electoral exercises.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kumpiyansa pa rin sila na magkakaroon ng malaking voter turnout para sa May 2022 elections sa kabila ng banta ng pandemya.
“The Comelec remains confident of a sizable voter turnout despite COVID fears,” ani Jimenez.
“This projection is borne out by international experience—most, if not all, elections in other jurisdictions showed a higher than average voter turnout—and local experience in the Palawan Plebiscite last March,” dagdag pa ng poll official.
Pagtitiyak din ni Jimenez sa publiko na ginagawa na nila ang kinakailangang hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga botante sa nalalapit na halalan.