Kumbinsido si National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na hindi pa pwedeng magkaroon ng face-to-face classes sa bansa hangga’t hindi nababakunahan ang mga kabataan.
Sinabi ni Galvez na batay sa pakikipag-usap nila sa mga eksperto sa kalusugan, kailangan munang makapagbakuna ng kahit 50 hanggang 70% ng kabuuang populasyon ng bansa para makamit ang population protection.
Sa ganitong paraan, magkakaroon ng kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na mapayagan na ang pagkakaroon ng face-to-face classes.
Gayunpaman, sinabi ni Galvez na sa fouth quarter pa nila target na mabakunahan ang higit 30 milyong mga kabataang Pilipino o mga nasa 12 hanggang 17 taong gulang.
Ito ay kapag naging stable na o sapat na ang makukuhang suplay ng bakuna lalo na ang Pfizer na siya lamang brand na pwedeng ibigay sa mga kabataan.