Manila, Philippines – Alas 9:30 ngayong umaga ay isang petisyon ang nakatakdang ihain sa Supreme Court na humihiling na magsagawa ng joint session ang senado at kamara.
Ito ay para talakayin ang martial law at suspensyon ng Writ of Habeas Corpus na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.
Kabilang sa mga petitioners si Senator Leila De Lima na nakadetaine sa PNP Custodial Center.
Kasama din sa mga petitioners na magtutungo sa Supreme Court ngayong umaga ang mga lider ng free legal assistance group na sina Atty. Jose Manuel Diokno at Atty. Alexander Padilla.
Sila din ay tumatayong mga abogado ni De Lima at ni retired SPO4 Arturo Lascanas na nagsabing may Davao Death Squad.
Kasama rin sa maghahain ng petisyon si dating Solicitor General Florin Hilbay pati sina dating COMELEC Chairman Christian Monsod at dating chairman ng Commission on Human Rights Loretta Anne Rosales.
DZXL558, Grace Mariano