Philippine Embassy sa Doha, naglabas ng advisory sa OFWs (on withdrawal of diplomatic ties)

Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Philippine Embassy ang ofws sa Qatar na may nakatakdang flights patungo at palabas ng Doha.

Nag-abiso ang embahada sa mga Pilipino doon na makipag-ugnayan sa kanilang travel agencies kasunod ng pagsuspinde ng flights sa Qatar ng Etihad Airways, Emirates Airlines at iba pang Middle East airlines.

May kaugnayan pa rin ito sa pagputol ng United Arab Emirates ,Saudi Arabia, Yemen,Egypt,Bahrain,Libya at Maldives sa diplomatic ties sa Qatar.


Pinapayuhan naman ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Qatar na manatiling kalmado at i-monitor ang sitwasyon doon.

DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments