Pagsasagawa ng plenary sessions sa Kamara, suspendido sa kasagsagan ng ECQ

Sususpindihin muna ng House of Representatives ang pagsasagawa ng plenary sessions sa oras na maisailalim na ang buong Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magsisimula sa ika-6 ng Agosto hanggang 20.

Batay sa direktiba ni House Speaker Lord Allan Velasco, nagpalabas ng isang memorandum si House Secretary General Mark Llandro Mendoza na suspindihin ang mga magaganap na sesyon na magsisimula sa Huwebes (August 5).

Magpapatuloy naman ang office hours na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa Kamara mula August 3 hanggang 4, habang ang mga sesyon ay magaganap mula alas-2 hanggang alas-5 ng hapon.


Sa kasagsagan naman ng ECQ, ipapatupad sa Kamara ang mga sumusunod;

* lahat ng pagpupulong ay magaganap via videoconferencing
* tanging ang mga Secretariat personnel na may mahalagang gawain ang magre-report sa office
* sarado ang lahat ng congressional offices
* at required na pagsailalim sa Antigen testing para sa mga papasok sa trabaho

Layon naman ng mga ipinatupad na panuntunan na makontamina ang pagkalat pa ng nakakahawang variant ng COVID-19 na Delta variant.

Facebook Comments