Bukas si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., na magsagawa ng ‘demarche’ o protesta na ipiprisenta sa pamamagitan ng diplomatic channels laban sa China.
Kasunod ito nang paggigiit ng China na bahagi ng kanilang teritoryo ang Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea kung saan tinatayang nasa halos 200 barko ng mga ito ang nasa bahura.
Ayon kay Locsin, hindi lamang unang beses nangyari ang panghihimasok ng China dahil una na rin itong nakialam sa Panatag Shoal (Scarborough Shoal) at sa Panganiban Reef (Mischief Reef) na malinaw na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Matatandaang una nang nagsampa ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.
Facebook Comments