Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang ibinibigay na psychological intervention ng DSWD at doh sa mga guro at non-teaching personnel na apektado ng nagpapatuloy na gera sa Marawi City.
Isinasagawa ito sa National Educators academy of the Philippines sa Cagayan de Oro sakop ng Region 10.
Ayon kay DepEd Sec Leonor Briones hangarin ng kagawaran na matulungan ang mga teacher at mga non-teaching staff maging ang mga mag aaral para maibalik unti unti ang kanilang normal na pamumuhay.
Kasabay nito iginiit ni DepEd Risk Reduction & Management service director Ronilda Co na nais nilang iparating sa mga guro at mag aaral na ginagawa ng kagawaran ang lahat para makatulong na makalimutan nila ang masamang karanasan sa gyera.
Sa pamamagitan ng psychological intervention matutulungan ang mga biktima na kaharapin ang kanilang buhay matapos ang nangyayaring bakbakan ngayon sa Marawi.