Pagsasagawa ng surveillance sa himpilan ng mga militanteng grupo, walang masama ayon sa Malakanyang

Walang nakikitang mali ang malakanyang sa pagsasagawa ng surveillance ng mga awtoridad sa tanggapan ng militanteng grupo sa bansa.

 

Kasunod ito ng pagkundena ng grupong bagong alyansang makabayan sa umano’y crackdown ng pamahalaan laban sa maka-kaliwang grupo gaya ng Bayan, karapatan at Gabriela.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, polisiya ng gobyerno na imbestigahan ang anumang reklamo ng criminal activities.


 

Kung may mga ebidensya umanong nagpapakita na dawit nga sa criminal activities ang mga militanteng grupo ay tungkulin ng state forces na imbestigahan ito.

 

Wala aniyang masama sa pagsasagawa ng surveillance ng mga awtotidad basta’t may hawak na ebidensya at batayan ang mga ito.

 

Una nang nagsagawa ng joint military at police raids sa mga tanggapan ng grupong Bayan Muna, Gabriela, at National Federation of Sugarcane Workers (NFSW) sa Negros Occidental at maging sa tanggapan ng grupong Bayan.

 

Mariing itinanggi ng mga nabanggit na grupo na may involvement sila sa rebeldeng new people’s army.

Facebook Comments