Pagsasagawa ng vaccination caravans, iminungkahi ng isang senador para sa mga hindi pa nababakunahan

Iminungkahi ni Senator Joel Villanueva sa gobyerno na magsagawa ng “vaccination caravans”.

Layunin nito na maabot ang mga wala pang bakuna na hindi naaabot ng teknolohiya at walang internet connection.

Hiling din ni Villanueva na kasama sa maiprayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mga manggagawa at job applicants.


Paliwanag ni Villanueva, hindi lamang sari-sarili nilang mga pamilya ang makikinabang kapag sila ay nabakunahan kundi pati na rin ang buong ekonomiya ng bansa.

Hinikayat din ni Villanueva ang mga kandidato sa pagkapangulo na tumulong sa panawagan sa kanilang mga tagasunod na magpabakuna.

Sabi ni Villanueva, sa caravan at motorcade ng mga kandidato ay maari nilang isabay ang pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa kahalagahan ng pagpapabakuna.

Sa planong tatlong araw na bakunahan ng pamahalaan mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, sinabi ni Villanueva na maaring tumulong ang mga kandidato na maghatid-sundo sa mga magpapabakuna.

Facebook Comments