Pagsasagawa ng vital reports kaugnay ng pagpatay kay Richard Santillan, hiniling

217

Manila, Philippines – Hiniling din ng maybahay ni Richard Santillan, ang pinatay na driver-bodyguard ni ex-Congressman Glenn Chong na magsagawa ang NBI ng full reconstruction sa mga pangyayari kaugnay ng pagkakapaslang sa kanyang mister.

Ayon kay Mrs. Jeanette Santillan, bigo pa rin kasi ang PNP na magpalabas ng vital reports, documents at mga ebidensya kaugnay ng pagkakapaslang sa kanyang asawa.


Kinumpirma rin ni ginang Santillan na sa paunang findings ng public attorney’s office -forensic team, lumalabas na animnapu ang tinamong sugat ni Richard sa iba’ t ibang bahagi ng katawan.

Aniya, kabilang dito ang torture injuries o mga sugat na sanhi ng pag-torture ng mga pulis sa kanyang mister.

Kabilang aniya sa torture injuries ni Richard ay sa ulo, bibig at iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Una nang tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na inatasan na nila ang NBI para magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Richard Santillan.

Facebook Comments

From Advertisers