Speaker GMA, pinuri ang mabilis na aksyon ng PNP sa Batocabe slay case

128

Manila, Philippines – Pinuri ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mabilis na aksyon ng Philippine National Police (PNP) sa kaso ng pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.

Kinikilala ni Speaker Arroyo ang dedikasyon at hard work ng mga pulis sa mabilis at maikling panahon na naresolba ang pagpaslang sa kasamahan nilang si Batocabe.

Sinabi pa ni Arroyo na ngayong tukoy na ang mastermind at mga kasabwat sa pagpatay kay Batocabe ay pinatitiyak ng speaker ang pagpapanagot sa mga ito.

Dapat aniyang matiyak na maibibigay ang hustisya sa kongresista at sa pamilyang Batocabe.

Nakatakda namang magsagawa ng memorial service para kay Batocabe ang Mababang Kapulungan sa Enero 14 o sa pagbubukas ng sesyon sa Kamara.

Facebook Comments