Pagsasagawa ng Zamboanga diversion road, target tapusin sa 2022

Inanunsyo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na planong tapusin sa 2022 ang ginagawang diversion road sa Zamboanga City na may habang 17.2 kilometers.

Ayon kay Villar, ang naturang proyekto ay magbibigay ng alternatibong ruta para sa Pagadian City-Zamboanga City road.

Maliban dito, magsisilbi rin itong access road paputang Barangay Mercedes ng lungsod at ang proposed new Zamboaga International Airport.


Sa kasalukuyan aniya, nasa 23.8% na ang nagagawa sa nasabing proyekto, katumbas nito ang 2.59 kilometers na haba ng kalsada.

Oras na matapos, mas iigsi ang travel time mula Barangay Cabaluay at Barangay Sta. Catalina, kung saan aabot na lang ito ng 20 minuto mula sa kasalukuyang isang oras at 30 minuto.

Ang proyekto ay may pondong P1.385 bilyon na ibinigay noong 2017.

Facebook Comments