Sang-ayon ang isang UP Professor na muling isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay University of the Philippines (UP) Institute of Mathematics Professor Guido David, na mafa-flatten ang curve ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila kung ipapatupad muli ang ECQ.
Aniya, sapat na ang isang buwang ECQ para bumagal ang transmission rate ng virus.
Sinabi pa ni Prof. David, katulad lang din sa nangyari sa Cebu City, pagkatapos ng 30 days na lockdown sa nasabing lungsod, napababa na nila ang kaso ng COVID-19.
Dagdag pa niya, kung sakaling ilagay muli sa ECQ ang Metro Manila, mas magiging handa ang pamahalaan ngayon pagdating sa testing, isolation at treatment.
Matatandaang una nang nanawagan ang ilang healthcare workers kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa ECQ ang Metro Manila.
Ito’y para mabigyan ng pagkakataon ang mga medical frontliners na makapagpahinga at makabawi ng lakas, bunsod ng namemeligrong estado ng medical health facilities sa bansa.
Giit ni Prof. David, kulang ang dalawang linggong lockdown para ma-flatten ang curve ng NCR.
Sa pagtaya ng mga eksperto sa UP, posibleng umabot sa 150,000 ang bilang ng mga tatamaan ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng agosto.