Pagsasailalim ng bansa sa MECQ, posibleng ibalik ayon sa National Task Force Against COVID-19

Inihayag ni National Task Force Against COVID-19 (NTF) na posibleng ibalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang bansa.

Ayon kay NTF consultant Dr. Ted Herbosa, mangyayari ito sakaling magpatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Aniya, ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang magiging dahilan sa pagkapuno ng mga ospital at temporary treatment facilities.


Sa oras na mapuno ito ay maaari imagresulta sa mas maraming bilang ng masasawi.

Matatandaang kahapon, Marso 13 ay muling nakapagtala ang bansa ng 5,000 bagong kaso na siyang pinakamataas na naitala simula Agosto ng nakaraang taon.

Facebook Comments