Hindi inaalis ng awtoridad ang posibilidad na maaaring mabago pa ang mga listahan ng mga lugar sa Pangasinan na nasa Yellow Category of Areas of Concern kasunod ng Halalan 2025.
Sa panayam kay COMELEC Pangasinan Election Supervisor Atty. Eric Oganisa, inihayag nito na maaari pang mabago mula sa kasalukuyang color category – o ang Green, Yellow, Orange at Red sa susunod na mga araw, depende sa magiging takbo ng sitwasyon sa mga lugar ngayong pormal na ngang naumpisahan ang election period.
Sa Pangasinan, kabilang areas of concern ang mga bayan Aguilar, Binmaley, Malasiqui, Mangaldan, Sual, San Quintin, at ang mga lungsod ng Urdaneta at Dagupan.
Samantala, ibig sabihin ng mga color-coding scheme ay mga sumusunod:
Green – areas of no security concern
Yellow – history of political rivalries and political unrest
Orange – indicate the presence of armed groups
Red – deemed as critical areas
Aasahan na ang mas pinaigting na mga checkpoints sa iba’t-ibang bahagi sa Pangasinan upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng publiko hinggil sa napipintong 2025 Midterm Poll Elections. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨