PAGSASAILALIM NG PANGASINAN SA MGCQ, HINILING NG PROVINCIAL GOVERNMENT SA IATF

LINGAYEN, PANGASINAN – Dahil sa pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa Pangasinan, hiniling ng provincial government sa National IATF na isailalim na ang probinsiya sa Modified General Community Quarantine o MGCQ mula sa General Community Quarantine with Heightened Restrictions.

Basahin ang buong detalye sa link na ito: https://wp.me/p8lS0n-2Lra

| via Idol Ella Garcia


#ifmnews #ifmdagupan

Sa sulat na ipinadala ng probinsiya sa National IATF, nakasaad dito ang kahilingan sa pagsasailalim ng probinsiya sa MGCQ sa unang araw ng Nobyembre.

Matatandaan na noong mga nakaraang buwan sumampa sa 400 ang daily average COVID-19 cases ang naitatala Pangasinan na nagresulta sa pagkakaroon ng mas maraming bayan at siyudad na inilagay sa critical zone maging ang mga hospital ay naabot ang kanilang maximum capacity.

Sa ngayon ang 7 daily average cases ay bumaba na sa 128 cases at ang mga government hospitals ay nag ooperate na ng 27-76%capacity.

Nakasaad din sa sulat na Kung isailalim man ang probinsiya sa MGCQ, muling matutukan ang pag-ahon nito sa ekonomiya nang hindi nakokompromiso ang kalusugan ng mga Pangasinense.###

Facebook Comments