Pagsasailalim ng PhilHealth sa kontrol ng Office of the President, kinwestyon ng ilang senador

Inusisa ni Senator Risa Hontiveros ang planong paglipat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ilalim ng Office of the President mula sa administrative supervision ng Department of Health (DOH).

Kinukwestyon ni Hontiveros kung bakit bibitawan na ng DOH ang responsibilidad at pananagutan nito sa PhilHealth, duda rin ang senadora kung bakit interesado ang tanggapan ng pangulo na mangibabaw sa operasyon ng PhilHealth.

Nangangamba ang mambabatas na posibleng matambakan ng gawain ang Office of the President at hindi na makayanan.


Palagi na nga aniyang problemado ang bansa sa mga isyu ng smuggling at korapsyon sa sektor ng agrikultura kung saan nakatutok din ang pangulo bilang pansamantalang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Binigyang-diin din ni Hontiveros na isinailalim ang PhilHealth sa DOH para sa policy coordination at pagpapatupad ng batas ukol sa Universal Health Care.

Giit ni Marcos, ang pagboto via mail ay hindi na bago at ginagawa na sa Colorado, Hawaii, Oregon, Utah, at Washington noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ni Marcos, ang mail-in voting ay makakabawas sa gastos, dahil bawas sa bilang ng mga kailangang staff sa mga polling centers at makakapagpataas naman sa bilang ng mga makakaboto.

Facebook Comments