Pagsasailalim sa ECQ ng Calabarzon, hindi pa napagdedesisyunan ng IATF

Wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) kung isasali na rin sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) o ‘lockdown’ ang Calabarzon.

Ito ang sinabi ni NTF Deputy Chief Implementer at Testing Czar Secretary Vince Dizon sa Laging Handa public press briefing, sa harap ng kumakalat na impormasyon na maging ang kalapit lalawigan ng National Capital Region (NCR) ay ilagay na rin sa ECQ.

Batay sa mga kumakalat na impormasyon, nakipagpulong umano kahapon ang mga gobernador ng Calabarzon kina Health Secretary Francisco Duque III at Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Epimaco Densing at inaprubahang maisailalim sa lockdown ang Calabarzon area.


Gayunpaman, sinabi ni Sec. Dizon na mas mainam na hintayin na lang ang magiging rekomendasyon ng IATF hinggil dito.

Nabatid na kada Huwebes ang pulong ng IATF upang pag usapan kung anuman ang apela ng mga Local Government Unit (LGU) at saka sila maglalabas ng kaukulang rekomendasyon.

Facebook Comments