Pagsasailalim sa ilang lugar sa new normal, isa sa mga agenda sa susunod na IATF meeting

Pinaplantsa na lamang ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mga ‘do’s & don’ts’ sa mga lugar na posibleng ideklara na sakop na ng new normal.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang nasabing usapin ay talaga namang napag-uusapan sa mga pulong ng IATF pero may mga panuntunan pa silang hinihintay.

Sinabi pa ng kalihim na matagal na niya itong iminungkahi sa IATF at nangakong sa susunod na pulong ng task force ay kanya ulit itong bubuksan.


Layon aniya nitong maibalik na sa normal ang sitwasyon ng ating mga kababayan sa ilang mga lugar na wala ng kaso ng COVID-19.

Kailangan lamang aniyang may umiral na mga guidelines o patakaran kung anu-ano ang mga ‘do’s and don’ts’ sa new normal areas para hindi tuluyang magpakampante ang ating mga kababayan lalo pa’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 gayundin ang panibagong variant nito.

Facebook Comments