Pinawi ng Department of Energy (DOE) ang pangamba matapos isailalim sa yellow alert ang Luzon grid.
Ayon kay DOE Assistant Secretary Redentor Delola, ang yellow alert ay bunsod ng unscheduled shutdown ng ilang mga planta ng kuryente.
Aniya, may sapat na suplay ng kuryente ang Luzon grid ngayong dry season.
Ang yellow alert ay itinataas sakaling may mababang reserba ng kuryente ngunit hindi ito nangangahulugan na magkakaroon agad ng power outage.
Facebook Comments