Pagsasailalim sa mas maluwag na quarantine status ng buong bansa, wala pang tiyak na petsa – Nograles

Wala pang tiyak na petsa kung kailan maisasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, humingi si Pangulong Duterte ng konting panahon bago ipatupad ang mas maluwag na community quarantine status dahil nais muna nitong makita ang resulta ng vaccination rollout bago ideklara ang MGCQ status sa buong bansa.

Dahil dito, hihintayin muna aniya ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang magiging resulta ng COVID-19 vaccine rollout bago muling irekomenda sa Pangulo ang MGCQ transition.


For the entire month of March, makikita natin ang rollout ng vaccination program. And then, before the end of March, we will make our recommendation to the President. Of course, at any given point in time, the President may also make a decision with regard to MGCQ for the entire country at any given point in time within the month of March,” ani Nograles

Una nang hiniling ng mga economic managers ng gobyerno sa Pangulo na ilagay na sa MGCQ status ang buong bansa para makabangon ang ekonomiya dahil sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments