Muling nanawagan si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa Inter-Agency Task Force na ibaba na sa Alert Level 1 ang status sa Metro Manila.
Umaasa si Concepcion na sa Marso ay nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila upang mas maka-usad na ang ekonomiya ng bansa.
Nakikita kasi nito na posibleng umakyat sa 6% ang Gross Domestic Product sa bansa ntong unang kwarter kung ibababa na ang alerto sa Metro Manila.
Giit pa nito, pansin na rin sa downward trajectory na pababa na ang kaso ng COVID-19 kaya marapat lamang na ibaba na ang alert level sa National Capital Region.
Una nang nakikita ng OCTA Research na posibleng bumaba pa sa 1,000 ang new COVID-19 cases sa bansa pagdating ng Marso.
Facebook Comments