Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na ikokonsiderang ilagay sa Witness Protection Program (WPP) ang tatlong whistleblowers na nagsiwalat ng anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ay kasunod na rin ng rekomendasyon ni Senate Presidente Vicente Sotto III.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hinihintay na lamang nila ang formal request ng Senado at agad nilang i-e-evaluate ang mga ito.
Kabilang sa mga inirekomenda ng Senado na ilagay sa WPP ay si dating PhilHealth Anti-Fraud Officer Thorsson Keith, PhilHealth board member Alejandro Cabading at dating Head Executive Assistant Etrobal Laborte kasunod na rin ng mga natatanggap na banta sa kanilang mga buhay.
Sa pagdinig ng Senado, inaprubahan din ang hiling na legislative immunity sa tatlong testigo.