PINALAWIG | Term extension ni PNP Chief Dela Rosa, indefinite

Manila, Philipines – Indefinite ang term extension ni PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Ito ang inihayag ng opisyal matapos na makausap kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ng Malacanang.

Ayon kay Dela Rosa, personal na sinabi sa kanya ng Pangulo na magtutuloy-tuloy ang kanyang panunungkulan bilang PNP Chief pero hindi nya itinatanong kung hanggang kailan.


Pero kinausap raw siya ng mga staff sa Malacanang matapos ang kanilang pagpupulong ni Pangulong Duterte at sinabing indefinite ang gusto ng Pangulo.

Kaugnay nito, inaasahan na raw ni PNP Chief Dela Rosa ang pagtatampo at ang pag-iba ng trato sa kanya ng ibang police officers na naghahangad at umaasang maging PNP Chief matapos ang pagpapalawig muli ng kanyang termino.

Perop ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, very professional ang mga inaasahang papalit sa kanyang kaya alam niyang tatangapin at susundin ng mga ito ang direktiba ng Pangulo.

Facebook Comments