Inaprubahan na ng Senado ang mahigit 24.2-billion pesos na panukalang budget ng Department of Foreign Affairs o DFA para sa susunod na taon.
Pero bago aprubahan ay iginiit muna ng mga senador na ang tagapagsalita o kalihim ng DFA lamang ang dapat nagsasalita ukol sa foreign affairs issue.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, nagmimistulang dalawa ang tagapagsalita ng bansa pagdating sa foreign policy dahil nakikisali si Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Napuna din ni Senator Panfilo Ping Lacson na madalas nagbibigay ng statement si Panelo ukol sa foreign policy ng Pilipinas.
Sinegundahan ito ng ni Senator Richard Gordon at kanya ding binanggit na minsan pati ang Bureau of Immigration ay nagpapahayag ng taliwas sa stand ng DFA secretary.