“Pointless” para kay Senador Koko Pimentel ang pagsasampa ng diplomatic protest laban sa naging hakbang ng dalawang us senators na i-ban sa Amerika ang mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa pagpapakulong kay Senadora Leila De Lima.
Ayon sa Senador pakikialam kung ang rason ng mga US Senators ay i-pressure ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.
Pero aniya, wala namang epekto ang nasabing hakbang dahil may sariling batas na sinusunod ang bansa.
Wala ring magagawa ang resolusyon ng dalawang us senators dahil tanging ang korte lang ang may hurisdiksyon sa kaso ni de lima.
Binigyang-diin din nito na prerogative ng anumang bansa na pagbawalang pumasok ang isang indibidwal sa kanilang lupain… Bagay na ginawa rin ng Pilipinas kina US Senators Richard Durbin at Patrick Leahy.
Samantala, sa isang tweet, binanatan ni leahy ang banta ni Pangulong Duterte na i-require ang mga Amerikano na kumuha ng visa bago makapasok sa Pilipinas kung ipapatupad nito ang entry ban laban sa ilang Philippine officials.
Sa halip na magbanta, makabubuti aniyang palayain na lang ng administrasyong Duterte si De Lima o bigyan ito ng patas na public trial.