Sirang electric fan, dahilan ng sunog sa pagawaan ng paputok sa Bocaue, Bulacan kagabi

Dysfuctional na electric fan ang nakikita ng mga bumbero na sanhi ng sunog sa pagawaan ng paputok sa Bocaue, Bulacan kagabi.

Ayon kay BFP Bocaue Fire Marshall Fire Insp. June marcelino isip – matagal nang nakatago sa bodega ang electric fan.

Hindi na umano umiikot ang propeller nito kaya nang isaksak biglang nag-blink ang mga ilaw at doon na nagsimula ang apoy.


Aabot sa p400,000 ang halaga ng pinsala sa nasunog na a.t. sayo enterprises.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Facebook Comments