Pagsasampa ng impeachment dahil sa isyu ng WPS, minaliit

Manila, Philippines – Minalit ni Atty. Larry Gadon ang anumang pagtatangka na sampahan ng impeachment case si Pangulong Rodrigo Duterte gamit ang isyu ng pangingisda ng mga Tsino sa South China Sea at sa tinatagurian na Exclusive Economic Zone (EEZ).

Si Gadon ay nakilala sa pagsasampa ng impeachment complaint laban sa dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Gadon, bilang isang abugado na may karanasan sa paghahain ng kaso ng  impeachment , nakatitiyak siya na hindi uubra na kasuhan ang Pangulo dahil  lamang sa polisiya sa usaping panlabas ni Pangulong Duterte.


Aniya, ang   isyu ng pangingisda ng mga Tsino sa South China Sea at sa tinatagurian na EEZ ay hindi maituturing na impeachable offense dahil hindi naman ito culpable violation of the constitution.

Aniya, ang diplomatic approach sa pagresolba ng issue sa South China Sea ay kahit kailanman hindi maituturing na culpable violation of the constitution.

Ani Gadon, nasa kapangyarihan at pagpapasiya ng presidente ang gumawa ng mga hakbang kung saan ang kapakanan ng buong  bansa ang binibigyan ng mas higit na kahalagahan.

Facebook Comments