MANILA – Binatikos ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pagsasampa ng kaso sa mga magsasakang nagsagawa ng protesta sa highway ng Kidapawan City noong isang linggo.Diin ni Escudero, ang nasabing hakbang ay nagpapakita lamang ng patuloy na kawalan ng puso ng pamahalaan.Punto ni Escudero, imbes na tugunan ng pamahalaan ang hinaing ng mga nagugutom na magsasaka ay nakuha pang maghain ng reklamo ng mga pulis kaugnay ng marahas na pagtataboy sa mga nagprotesta na nauwi sa pagkasawi ng tatlong magsasaka at pagkasugat ng marami pang iba.Nanindigan si Escudero na hindi sana nauwi sa karahasan ang pagpapaalis sa mga magsasaka kung nagpatupad ang kapulisan ng maximum tolerance at gumawa ng hakbang ang pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga magsasakang hinahagupit ng matinding tagtuyot dulot ng El Niño.Giit ni Escuero, hindi sapat na rason ang kilos protesta ng mga magsasaka para sila ay pagbabarilin o i-disperse dahil hindi naman nakakasakit ng tao ang mga ito.
Pagsasampa Ng Kaso Laban Sa Kidapawan Farmers, Pinalagan Ni Chiz
Facebook Comments