Pagsasampa ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng maling balita tungkol kay VP Sara Duterte, pinag-aaralan na ng OVP

Sinisilip na ng Office of the Vice President (OVP) ang posibilidad na pagsasampa ng reklamo laban sa mga nagpapakalat ng mga maling balita o impormasyon tungkol kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Kasunod ito ng kumalat na balita na ginagamit ni Duterte ang presidential helicopter upang makauwi sa kaniyang bahay sa Davao City araw-araw.

Sinabi ni OVP spokesperson Reynold Munsayac, marami ang naloko sa mga ganitong uri ng post at patuloy na maniniwala ang publiko kung hahayaan lamang nila ito kumalat.


Mababatid na nag-post si Duterte ng mensahe kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., kung saan nagpasalamat ito na pinayagan siyang magamit ang 250th Presidential Airlift Wing (PAW) upang masigurong makakauwi ito ng gabi sa kaniyang bahay upang makasama nitong matulog ang mga anak.

Samantala, nilinaw naman ng Philippine Air Force o PAF na maaaring gamitin ng bise presidente ang presidential chopper lalo na kung ginagawa nito ang kaniyang mandato.

Facebook Comments