Pagsasampa ng kaso laban sa mga tumulong para pagtakpan ang pagkamatay ni Atio, pinag-aaralan na

Manila, Philippines – Ikinagulat ng mga magulang ng hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III ang ginawang pagtulong ng mga elder ng Aegis Juris Fraternity para pagtakpan ang pagkamatay ng kanilang anak.

Sa pagdinig ng Senado kahapon, inilabas ng ka-frat na si John Paul Solano ang isang chat group kung saan pinagplanuhan kung ano ang gagawin sa katawan ni Atio.

Kabilang rito ang utos ng sinasabing lider ng fraternity na si Arvin Balag kay Solano na dalhin sa ospital si Atio at siya na ang magpa-iwan.


Dahil dito, sinabi ng tatay ni Atio na si Horacio Castillo, II – pinag-aaralan nang magsampa ng kaso laban sa mga nabanggit na frat member sa nasabing chat group.

Sa interview naman ng RMN kay ina ni Atio na si Carmina Castillo – satisfied sila sa pag-usad ng kaso.

Malapit na aniyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak.

Samantala, itinanggi ng mag-asawang Castillo na may natanggap silang alok para i-atras ang kaso.

Facebook Comments