Pagsasampa ng kaso ng US Justice Department laban sa wikileaks founder na si Julian Assange – binigyan na ng go signal ni US President Donald Trump

Amerika – Binigyan na ng “go signal” ni US President Donald Trump ang US Justice Department sa pagsampa ng kaso at pag-aresto sa wikileaks founder na si Julian Assange.

Ayon kay Trump – kahit hindi siya kasama sa pagdedesisyon sa naturang isyu, tiniyak nito ang kanyang suporta kay Attorney General Jeff Sessions kung kakasuhan ang wikileaks founder.

Magugunitang ang wikileaks ang nasa likod ng paglabas sa libo-libong hacked emails ni dating Democratic Presidential Nominee Hillary Clinton na inilabas sa kasagsagan ng kampanya sa halalan ng Estados Unidos.


Kamakailan lang ng kinondena ni CIA Director Mike Pompeo ang wikileaks na inilarawan itong “hostile intelligence service” at threat para sa U.S. national security.
Nation

Facebook Comments