Pagsasampa ng kaso sa ICC laban kay Chinese President Xi Jinping, umani ng iba’t ibang reaksyon

Pinuri at pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo sina dating DFA Sec. Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa paghahain ng reklamong crimes against humanity laban kay Chinese President Xi Jinping.

 

Kaugnay ito ng ginagawang aktibidad ng China sa West Philippine Sea na labis nang nakakaapekto sa kabuhayan ng mga pilipinong mangingisda.

 

Ayon kay Robredo, pagbibigay ito ng pag-asa sa mga pinoy.


 

Naniniwala naman si Bayan Muna Chairman Neri Colmenares na mas mapapalakas ang kaso kung magsasagawa ng protesta ang lahat ng mga Pilipino sa buong mundo laban sa China.

 

Pero si Seandor Chiz escudero, duda na uusad ang kaso sa ICC.

 

Aniya, mawawalan ng silbi ang treaty kung ayaw ng isang bansa na sumunod sa magiging hatol ng ICC lalo na’t isang makapangyarihang bansa ang China.

 

Nauna nang sinabi ng Malacañang na mababasura lang ang kaso dahil wala umanong hurisdiksyon ang ICC sa China.

Facebook Comments