Death penalty, dapat nang ibalik ayon sa PDEA

Dapat nang ibalik ang death penalty para sa kasong drug trafficking.

 

Ito ang pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasunod ng pagkakasabat sa nasa P1.8 Bilyong halaga ng high-grade shabu mula sa isang containet na dumating sa Manila International Container Port noong linggo galing Vietnam.

 

Tingin ng PDEA, galing ito sa notorious na golden triangle drug syndicate na posibleng konektado sa 100 kilong shabu na nasabat sa Ayala Village sa Alabang, Muntinlupa noong Martes.


 

Ayon kay PDEA Dir. Gen Aaron Aquino, wala kasing death penalty sa Pilipinas kaya malakas ang loob ng mga dayuhan na magpasok ng iligal na droga sa bansa.

 

Bukod dito, nabibili umano ng mga drug smuggler lahat maging ang serbisyo ng mga hukom, prosecutor o maging ang law enforcers kaya ligtas silang nakakabalik sa kanilang mga bansa.

 

Samantala, binawi na ng Bureau Of Customs ang accreditation ng broker at consignee ng shipment at inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban sa mga ito.

 

Sa loob lang ng isang linggo, nabatid na aabot na sa halos 3-Bilyong halaga ng shabu ang nasabat ng PDEA.

 

Facebook Comments