Manila, Philippines – Pinagiisipan ni House Majority Leadear Rolando Andaya Jr. ang paghahain ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban kay Budget Sec. Benjamin Diokno.
Kaugnay ito sa natuklasan ni Sen. Franklin Drilon na panibagong batch ng isiningit na pondo sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa 2019 budget.
Giit ni Andaya, wala itong pinagkaiba sa P75 Billion budget insertion ng DBM sa DPWH.
Aabot naman sa P25 Billion ang halaga ng pondong isiningit sa budget ng DILG.
Maliban dito ay nangingialam ang isa sa special office ng DBM sa procurement process ng Department of Transportation (DOTr) noong nakaraang taon.
Iginiit ni Andaya na ang trabaho dapat ng special office na ito ng DBM ay ang bumili ng mga office supplies na kakailanganin ng mga ahensya ng pamahalaan pero pinasok pati ang procurement sa mga proyekto katulad ng sa subway na dapat DOTr ang gumagawa.