Welcome development para sa Palasyo ang pagsasampa ng kasong Murder laban sa employer ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jeanelyn Villavende.
Si Villavende ay matatandaang ginahasa at pinatay sa bugbog ng kanyang mag-asawang employer sa Kuwait nuong Disyembre.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nangangahulugan lamang itong gumugulong ang hustisya.
Una naring tinanggihan ng naulilang pamilya ni Jeanelyn ang P59M na blood money para i-atras ang kaso laban sa kanyang employer.
Hahawakan naman ng mga dekalibreng abugado ang kaso ng ating kababayan upang mapanagot sa batas ang kanyang employer.
Kasunod nito sinabi ni Panelo na mananatili parin ang total deployment ban sa Kuwait.
Sakop nito ang mga newly hired workers tulad ng domestic workers, skilled workers, at mga professionals.