Batangas – Pinag-aaralan na ngayon ng Philippine National Police ang pagsasampa ng kasong rebelyon laban sa may-ari ng pagawaan ng baril na una nang sinalakay ng Criminal Investigation and Detection Group sa Lipa City, Batangas.
Ito ay matapos na makumpirma ng PNP na galing sa gunsmith syndicate na pag-aari ni Romel Litan ang mga nakuhang baril sa mga napatay na teroristang Maute sa Marawi City.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, sa litrato pa lamang, tumugma na ang mga baril na hawak ng Maute sa mga baril na gawa ni Litan.
Maliban pa kay Litan, kasama rin sa mga inaresto ng cIdg ang kanyang mga tauhan na sina Angelo Magcamit, Ramil Quinones at Christian Rey Quinones.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558