Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagsasampa ng Ombudsman ng kasong graft at usurpation of authority laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa Mamasapano tragedy.
Ayon kay Drilon, inaasahan na niya ang nabanggit na hakbang ng Ombudsman kasunod ng resolution na nauna nitong inilabas.
Sa nabanggit na resolusyon ay sinasabing may basehan para sampahan ng asunto si Aquino dahil sa pagkasawi ng 44 na tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force.
Paliwanag ni Drilon, pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan ay bahagi bahagi lamang ng proseso.
Facebook Comments