Nag-umpisa nang sumailalim sa pagsasanay ang mga electoral board staff para sa Pangasinan para sa paparating na Halalan 2025 nito lamang 1 hanggang 8 ng Marso.
Ang naturang pagsasanay ay naglalayong makapagbigay-kaalaman at kasanayan sa mga magsisilbing staff sa halalan ukol sa proseso at gayundin sa paggamit ng bagong Automated Counting Machine (ACM).
Matatandaan na mula sa precinct count optimal scanners o PCOS machine ay gagamit ng bagong machine ang COMELEC para sa Halalan 2025.
Hinati naman sa iba’t ibang batch ang mga ito upang matutukan na maisagawa mismo nila ang proseso.
Gayunpaman, nauna nang sumailalim ang mga Technical Support Staff noong buwan ng Pebrero.
Samantala, sa datos ng COMELEC Pangasinan, nasa 2,868 na presinto ang kanilang tututukan kung saan boboto ang nasa higit dalawang milyong botante sa buong lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









