Cauayan City, Isabela- Inilarga na ang tatlong araw na pagsasanay ng mga bagong contact tracing team ng Lungsod ng Ilagan.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, Information Officer ng City of Ilagan, nasa 34 na partisipante mula sa 13 barangay na kinabibilangan ng mga barangay health worker (BHW) at mga barangay nutrition scholar (BNS) ang sumailalim sa contact tracing training.
Ito ay sa pangunguna ng Isabela State of Arts and Trade- Technical Educations Skills and Ddevelopment Authority (ISAT-TESDA).
Nagsimula ang pagsasanay kahapon at magtatagal hanggang bukas, September 22, 2020 na layong mapabilis ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng mga maitatalang positibo sa COVID-19.
Nananawagan sa mga BHW at BNS na maghintay lamang sa mga susunod na buwan dahil magsasagawa pa muli ng pagsasanay para sa contact tracing dahil hindi aniya maaari na magsabay-sabay lahat dahil sa ipinatutupad na protocol sa social distancing.