Mga palaboy sa Port Area Manila, kinupkop ng Manila Department of Social Welfare

36
COURTESY: MANILA PIO

Nagsagawa ng reach-out operations ang Manila City Government sa Anda Circle sa bahagi ng Port Area, Manila at sa Delpan Bridge. 

Ito ay ikinasa ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) Rescue Team and Disaster Management Team katuwang ang mga miyembro ng Department of Public Service (DPS). 

Umabot sa 21 indibidwal na palaboy-laboy sa lugar ang isinama ng grupo at kinabibilangan ito ng limang menor de edad at dalawang senior citizen. 

Silang lahat ay kasalukuyang nanunuluyan sa rescue facilities ng lungsod kung saan sila ay inaalagaan at pinapakain ng mga staff ng MDSW at pinagkakalooban din ng kailangan medical assistance.  

Ang nabanggit na hakbang ay alinsunod sa hangarin ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tulungan ang mga palaboy sa lansangan lalo na

Facebook Comments