PAGSASANAY NG MGA TOUR GUIDE NG MABINI UPANG MAPASIGLA ANG TURISMO, NAISAGAWA

Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay ang mga napiling Tour Guide na pinamunuan ng Tourism Office katuwang ang Provincial Tourism and Cultural Affairs Office o PTCAO.
Inaasahan ang pagsasagawa nito ng programa na ito na magbibigay sigla sa turismo ng Mabini at magbibigay ng dagdag na pagkakakitaan sa mga napiling tour guides.
Samantala, hatid ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating mga Displaced/Disadvantaged workers (TUPAD) na naglalayong magbigay ng pangkabuhayan sa anim na daan at anim (606) na residente ng Mabini.

Tinangap din ng mga miyembro ng TUPAD ang apat na libo, apat na daan at dalawampung piso (4,420 Pesos) bilang sweldo sa labing tatlong araw na paglilinis sa mga lansangan at iba pang pang-publikong lugar sa iba’t ibang barangay sa Mabini. | ifmnews
Facebook Comments