Pagsasanay ng US Army at Philippine Army tuloy sa kabila nang usaping tapusin ng ang VFA sa Amerika

Nagpapatuloy ang magandang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Sa katunayang nagsasanay  ngayon ang mga tropa ng Philippine Army 18th Special Forces Company, Special Forces Regiment (Airborne) at US Army 1st Special Forces Group (Airborne) sa Palawan.

Ang pagsasanay ay bahagi ng training exchange na binansagang Balance Piston 2020 na nagsimula noong Enero 26 at tatagal hanggang Pebrero a-23.


Isinasagawa ang pagsasanay sa Philippine National Police Maritime Group Training Facility sa Puerto Princesa, Palawan at sa Headquarters ng 18th Special Forces Company sa Rizal, Palawan.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Ramon Zagala layon ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng Philippine Army kontra Terrorismo at ang “interoperability” sa US Army.

Dagdag pa ng opisyal sinusuportahan ng Philippine Army ang mga pagsasanay sa kanilang mga foreign counterparts’ para mapalawak ang kasanayan ng mga tropa sa iba’t ibang larangan at mapalawak ang koorperasyon at palitan ng impormasyon sa mga Foreign Armed Forces.

Facebook Comments