Matagumpay na isinagawa ang isang pagsasanay para sa mga barangay nutrition scholars sa Lungsod ng Alaminos.
Sa naging programa na may temang “Sa Panahon ng Pandemya, Patuloy na Nagkakaisa para sa Bayan, Para sa Nutrisyon at Para sa Serbisyo” kung saan tinalakay ang ilang mahahalagang usapin gaya na lamang ng pagpapanatili sa tamang nutrisyon ng mga residente ng lungsod at sa pagbibigay ng ilang programa at serbisyo para sa mga nasasakupan ng lungsod para sa pangkalusugan.
Pinangunahan ang nasabing pagsasanay na ito ng ilang kawani ng sector ng pangkalusugan sa lungsod kung saan ang aktibidad na ito ay naglalayong bigyang diin ang mahalagang ambag ng mga BNS sa pagbibigay ng mataas na kalidad ng serbisyong pangkalusugan at nutrisyon sa komunidad sa kabila ng hamon ng pandemyang dulot ng COVID – 19.