Ginanap ang naturang pagsasanay sa Community Center ng Barangay Santo Tomas, City of Ilagan, Isabela nitong ika-15 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, Information Officer ng Ilagan City, layunin ng naturang pagsasanay sa pangunguna ni Mayor Jay Diaz na matulungan ang mga mamamayan sa lungsod na magkaroon ng mapagkakakitaan gamit ang mga pagsasanay na inilulunsad ng city government ng Ilagan sa ilalim ng Manpower Skills Training Program o MSTP.
Ilan sa mga natutunan ng mga nakiisa sa nasabing aktibidad ay paggawa ng chicharon gamit ang balat ng isda, Shanghai, longganisa, at iba pa.
Ang lahat ng produktong magagawa ng mga benepisyaryo ay dadalhin sa pasalubong center ng naturang siyudad upang maibenta sa mga turistang bumibisita sa lungsod.
Samantala, ayon naman kay Dennis Quilang, isa sa mga miyembro ng AMA, nakilahok umano ito sa nasabing pagsasanay upang kumuha ng experience na kaniyang gagamitin sa pangingibang bansa.