PAGSASANAY UKOL OYSTER MUSHROOM CULTIVATION, INILUNSAD SA BAYAN NG MANAOAG

Inilunsad sa bayan ng Manaoag ang pagsasanay ukol sa Oyster Mushroom Cultivation gamit ang mga agricultural waste sa pangunguna ng Municipal Agricultural Office ng nasabing bayan.
Saklaw ng pagsasanay ang ilang mga pamamaraan sa mushroom cultivation, ang pagpapalago nito, paghahanda ng mga kinakailangang kasangkapan, proseso ng pag-ani, maging ang kaalaman ukol sa packaging ng nasabing produkto.
Hinikayat naman ng alkalde ang mga residente sa paggamit ng kanilang mga bakanteng bakuran na at taniman ng mga kabute na maaaring pagmulan ng karagdagang kita.

Layon ng nasabing pagsasanay na turuan ang mga magsasaka maging iba pang Manaogueño na gumamit ng alternatibong mga sangkap na maaaring makapagpalago ng tanim sa kani-kanilang mga komunidad. |ifmnews
Facebook Comments