ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Nilahukan ng iba’t ibang veterinarians at blood collector ng uno Distrito ang isang pagsasanay ukol sa African Swine Fever o ASF sa Lungsod ng Alaminos.
Pinangasiwaan ng City Veterinary Office ang isinagawang refresher course ng Agricultural Training Institute- Office of the Provincial Veterinarian na dinaluhan ng iba’t ibang matataas na kawani nito kung saan nilahukan din ito ng iba’t- ibang veterinarians at blood collector ng lokal na pamahalaan sa District 1 kaugnay sa ASF outbreak sa Pilipinas.
Ang pagsasanay na ito ay upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa tamang pag-i eksamina sa mga dugo ng baboy kung ito nga ba ay positibo sa ASF.
Tinalakay din sa pagsasanay na ito ang Biosafety and Biosecurity para sa mga field responders, sample collection at tamang handling at practical activity sa pangongolekta ng dugo na naglalayong pag-aralan ang epekto ng ASF sa bansa.
Personal ding isinagawa ang hands-on training ng blood collection sa slaughterhouse ng siyudad.